
Lahat naman siguro tayo eh tinotopak. Ung tipong asar ka sa mundo, bad trip, or kung anu pang term ang ginagamit pag naiinis. Hindi naman tayo pwedeng magwala siyempre dapat may composure pa din. Kaya eto ang mga tips ko para matangal ang topak sa katawan.

Magbuhos ng tubig! Okey kahit pusa ako at takot sa tubig, sino ba naman ang hindi mahihimasmasan pag nabasa ng tubig. Lalo na yung malamig. For sure tanggal ang bad trip mo at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil sa pinagagagawa mo. Hahaha!

Tawagin ang barkada at idaan na lang sa maboteng usapan. Nagenjoy pa kayo ng mga kaibigan mo, nakalimutan mo pa ang problema mo. Yun nga lang, Pagkatapos nito, matinding sakit ng ulo ang sasalubong sa iyo dahil sa hang over at pagkainom mo ng kape marerealize mu na nakakahiya ang pinagagagawa mo. Bwahaha!

Eto ang pinaka preferred kong gawin sa tuwing may topak. Ang sumigaw ng matindi kasabay sa pagsigaw ay ang stress at inis na nasa loobin mo. Gawin ito sa lugar na walang tao at maiistorbo dahil kung hindi baka sa kulungan ang bagsak mo. Pagkatapos nga lang nito eh baka magkanda malat ka na at wala ng boses. Nyahaha!

Effective din ang pagtulog. A catnap is good. Nakapag beauty rest ka na, pagka gising mo eh refreshed ka pa. Haaaaay, chalap matulog!

Sana eh may napulot kayo sa blog post na ito. Hehe. Pero una sa lahat wag tayo masyado magpaapekto sa kung ano mang meron sa ating paligid. Happiness is a choice!












