23 Jun 09

Sabi nila “people wears mask”. Madami talagang mapagpangap sa mundong ito. Ginagawa ito ng tao para maprotektahan ang kanilang pride, interest, at PUSO. Defense mechanism ika nga. Ngunit what if kung makita mo ang totoong itsura ng tao sa likod ng kanyang maskara na ibang iba sa maskarang suot niya all this time. Sakit? Dahil pinaniwala ka sa isang kasinungalingan. Galit? Dahil niloko ka. Deception and lies, is it really inevitable? Does this really have to happen? Then what. Sorry? Akala ko totoo ang mga pinakita niya sa akin. Akala ko nakahanap na ako ng totoong kaibigan. Akala ko totoong masaya kami. Akala ko totoong nagmamahalan kami. Yan ang madalas na linya ng mga naloloko. Puro akala! Mahirap talaga magtiwala. Tingin mo ba sapat ang sorry para sa lahat ng iyon? Totoo nga ba ang pagtibok ng puso mo na sinasabi mong naging tapat, naging bukas para sa lahat, at nagmahal ka nga bang talaga? O katulad lang ng isang artistang umarte upang mapangalagaan ang sariling interes at manggamit ng tao. Nagdrama para muling manloko at magpangap na siya ang biktima.

Magiingat kayo dahil maraming nakasuot ng magagandang maskara na panget ang nasa likod nito. Silang mga mapanirang tao na nagkalat sa paaralan, workplace, bahay, at maging sa wap world. Mga taong namumulaklak ang bunganga sa harap mo yun pala’y mga mangagamit at walang hinangad kundi ang pabagsakin ka. Mas mabuting ibaon ka na sa limot. Mag move on at ituring na isang magandang lesson ang lahat. Tawanan ang bawat pighating naranasan sa kamay ng pusong mapanlinlang. At isiping hindi lang ang isang gaya mo ang makakapanira sa aking moral. Hindi man ako perfect ngunit ako ay malayang nakakahinga bawat segundo sapagkat walang nakabarang plema ng pagpapangap sa aking lungs, walang mga maiitim na embolus ng deception sa aking puso, at walang bumabagabag sa isipan kong walang thrombus ng kasinungalingan.